Maigib mo man ang dagat at masalin sa balon At masala man ang alat upang ating mainom Mapaamo man ang hangin at landas niya'y ibahin Sa puso at damdamin, ang tao ay tao pa rin Ang karunungan ay di mapigilan Sa lawak ng sining at ng agham Ang sabi ng tao, kayrami nang bago Ngunit ang aking alam Mapitas mo man ang araw at masilo ang apoy Upang alab niya at ilaw, sa gabi'y tuloytuloy Ang dilim at ang liwanag kahit pagbaligtarin Sa puso at damdamin, ang tao ay tao pa rin Ang tao ay tao, ang tao ay tao Ang tao ay tao pa rin Iba na ang himig, iba na ang awit Iba na ang hilig ng henerasyon Iba na ang wika at diwa subalit Tao'y panghabangpanahon Mapahaba man ang buhay ng daan-daang taon Magawa mo man kahapon ang nagagawa ngayon Malutas mo man ang lihim ng gulang ng bituin Sa puso at damdamin, ang tao ay tao pa rin Ang tao ay tao, ang tao ay tao Ang tao ay tao pa rin Kailangang umibig, kailangang ibigin Kahit na dusa ang kakambal Ang hahanapin at hahagilapin Ng puso ay pagmamahal Sa katarungan at katotohanan Habang may buhay ay nagmamasid Sa kalayaan at kapayapaan Uhaw ay di mapapatid Palitan mo man ang puno ng mga pamunuan O mangyari mang maglaho ang pamahalaan Ang isang milyung layunin kahit na pag-isahin Sa puso at damdamin, ang tao ay tao pa rin Ang tao ay tao, ang tao ay tao Ang tao ay tao pa rin
0 comments:
Post a Comment